
MONKAYO, Davao de Oro — Matagumpay ang isinagawang FR Forum na may layuning itaguyod ang kapayapaan sa Camp Kalaw, Brgy Poblacion, Monkayo, Davao de Oro noong Marso 31, 2026.
Daan-daang FR (former rebel) na mula sa ibat ibang bayan sa probinsiya ng Davao de Oro at iilang kawani ng pamahalaan ang nagsama-sama para dumalo sa forum. Layunin ng pagtitipon na palakasin at tiyaking may akses ang bawat FR sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan upang epiktibong maisulong at mapanatili ang kapayapaan.
Sa ginanap na programa, ibinahagi ni Joy James Saguino (Kalinaw DDO Adviser) ang mga programa at inisyatiba ng kanilang organisasyon. Tinalakay nila kung papaano sila nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang maisulong ang pag-unlad at mapanatili ang kapayapaan sa kanilang mga komunidad.
Tampok din sa forum ay ang pagbabahagi ng personal na karanasan ng mga Former Rebel. Ipinakita sa kanilang kwento ang hirap at sakripisyo na kanilang dinaanan habang hinaharap nila ang bagong yugto ng kanilang buhay gayundin ang pag-asa at pagbabago na kanilang natamo sa tulong ng kapwa nila FR at ng pamahalaan.
“Dili na pusil ang akong gi hawiran kundili paglaum na sa atong katilingban” mga katagang iminungkahi ni Mr. Dino Kairo Bazar KALINAO DDO PRESIDENT sa kanyang mensahi sa nasabing forum.
Naipakita sa isinagawang FR Forum ang seryosong pakikipagtulungan ng mga former rebel at ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na magkaroon ng maunlad at matatag na kabuhayan ang bawat FR tungo sa tunay na kapayapaan.